Anong Simbolo Sa Bahay Ang Tatay
Anong simbolo sa bahay ang tatay
Answer:
Simbolismo ng tatay sa bahay
Haligi
Ang ating mga ama ang isa sa pinakaimportanteng tao sa ating buhay. Hindi masasabing pamilya kung walang isang ama. Sila ang nagsisilbing haligi ng ating tahanan na nagtataguyod n gating mga pangangailangan. Ang ating mga ama ay nagsisikap na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging maayos at maganda ang hinaharap. Haligi sila dahil sila ay malakas at matibay sa pagtataguyod ng pamilya, hindi sila sumusuko kahit na anong problema at pagsubok man ang dumaan, dahil sa kanila nakaatang ang pinakamalaking responsibilidad sa isang pamilya at nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa bawat kasapi ng pamilya.
Puno
Sumisimbolo rin ang ama sa isang puno, isang puno na punong puno ng kalakasan at katatagan, isang punong handing tumayo umulan man o umaraw. Isang punong may malalakas na sanga at manatiling nakatayo kahit sa anumang sakuna. Ganyan ang mga ama, punong puno ng kalakasan at katatagan para sa pamilya. Sa pamilyang nagbibigay ng buhay para sa kanya. Sa pamilyang nais niyang itaguyod at mapaganda ang estado ng pamumuhay. Ang kanyang mga anak ang nagsisilbi niyang mga sanga, sanga na ayaw niyang mahiwalay sa kanya. Kaya gagawin ang lahat maging maayos lamang ang buhay ng mga ito. Ang lahat ng ginagawa ng isang ama ay para sa kapakanan ng kanyang pamilya, umulan man o umaraw, mahirap man at masakit ang kanyang pinagdadaanan dulot ng kanyang trabaho ay iindahin niya mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Tunay na kahanga-hanga ang mga ama, sapagkat ibinigay sila ng Diyos upang magsilbing haligi at puno sa bawat pamilya. Mahalin ang mga ama na regalo ng Panginoon dahil sila ang dahilan kung anong mayroon at kung nasaan ang bawat isa sa atin ngayon. Magpasalamat sa mga bagay na kanilang isinasakripisyo maging maayos lang ang ating buhay.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Responsibilidad ng isang ama: brainly.ph/question/798165
#LetsStudy
Comments
Post a Comment