Kahulugan Ng Ekonomiks?
Kahulugan ng Ekonomiks?
Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral na tumatalakay o sumusuri may kinalaman sa pagkonsumo, pamamahagi, at paglikha ng mga yaman at kalakal. Nagsisilbi itong tema na nagpapaliwanag may kinalaman sa mga pangangailangan ng mga tao upang masapatan ang kagustuhan at kasiyahan. Tinatalakay nito ang mga paraan kung paano mamuhay ang mga tao.
Depinisyon ng Ekonomiks
Ayon sa mga ekonomista, ito ang kahulugan ng ekonomiks:
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na tumatalakay sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman para maipamahagi at makagawa ng mga ibat ibang klase ng produkto at serbisyo at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung anong mga paraan ang ginagawa ng tao sa paghahanap buhay, paghahanap ng pagkain at makuha ang mga materyal na pangangailangan. Ang mga suliraning pangkabuhayan ay binibigyang pansin sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano maaayos o malulunasan ang mga ito.
Ang ekonomiks ay isang agham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng desisyon ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas.
Dalawang Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks:
Walang hanggang pangangailangan
Limitado
Walang Hanggang Pangangailangang Materyal ng Tao at Lipunan
Ang pangangailangang materyal ng mga tao at ang pagkakamit sa mga ito ay walang katapusan. Nais ng mga tao na makamit ang kanilang mga pangangailangan para mabuhay sa mundong ibabaw.
2 Uri ng Pangangailangan ng Tao
Ang pangangailangan ang tao upang mabuhay ay nahahanay sa 2 uri:
Pangunahing Pangangailangan
- Pagkain. Damit, Tirahan at Kapahingahan.
Sekundaryang Pangangailangan
- Mga karapatang sibil, edukasyon, kalusugan, natatanging pagganap sa lipunan, kabibilangan at self-esteem
Limitado
Ang kakulangan/kakapusan o scarcity sa mga yaman ay dulot ng pagtaas ng demand at paglaki ng populasyon. Ito ay epekto ng walang hanggang pangangailangan ng mga tao. Limitado ang ating mga yaman. Maaari pang punan ang kakulangan sa yaman ngunit maaaring maubos ang kakapusan. Kaya naman, may alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Ang alokasyon ay ang sistematikong pagoorganisa ng pamamahagi ng mga yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at ng lipunan
Comments
Post a Comment